Monday , June 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / FGO imbentor ng “Miracle Oil ” 3 araw nang magkokolum sa HATAW
FGO imbentor ng “Miracle Oil ” 3 araw nang magkokolum sa HATAW

FGO imbentor ng “Miracle Oil ” 3 araw nang magkokolum sa HATAW

MULA ngayon, 2 Setyembre 2017, tatlong araw nang matutunghayan ang kolum ng herbalist na si Fely Guy Ong, tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.

FGO kung tawagin, kinilala ang magaling na herbalist dahil sa kanyang naimbentong Krystall Herbal Oil, tinagurian ni Tiya Dely na “Miracle Oil.”

Nagtapos si FGO ng kursong BS Commerce, Accounting Degree sa Far Eastern University (FEU).

Kasabay ng pagpasok sa negosyo, unti-unti rin tinupad ni FGO ang pagsasaliksik tungkol sa natural healing na nakabase sa balanse ng Yin at Yang o init at lamig sa loob ng katawan ng isang tao.

Dahil sa pagsunod sa prinsipyong ito, nakaimbento ng mi-racle oil na Krystall Herbal Oil si FGO na nakapagpapagaling ng maraming sakit at karamdaman.

Ngunit, ayon nga sa kanya, kailangan din pag-aralan ang asal at gawi ng pasyente.

Kung ano ang kanyang kinakain, iniinom, lifestyle, kung ano ang iniisip at nararamdaman.

Ang prinsipyong ito ng likas at praktikal na panggagamot ang sinusunod ng tanyag na herbalist na kinilala ng Filipino Investors Society, Inc., noong 1994

Maraming nagtangkang pulaan ang Krystall Herbal Oil ni FGO ngunit mismong ang mga tumatangkilik ang nagpapatotoo sa husay at galing nito.

Tuwing Sabado, mula 8:00 am 12:00 ng tanghali, si FGO ay may libreng konsultasyon sa 727 VM Tower, Roxas Blvd., Parañaque City.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved