Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Holdaper patay, pulis sugatan sa shootout

Holdaper patay, pulis sugatan sa shootout

HUMANDUSAY na walang buhay ang hinihinalang holdaper na si Allan Ricafort makaraan makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng PCP-7 ng Pasay City Police sa South Superhighway, Magallanes Avenue, Makati City. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ninakaw na e-bike, isang kalibre .45 baril, at mga ID. (ERIC JAYSON DREW)

PATAY ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan ang isang pulis makaraan ang palitan ng putok sa Makati City, nitong Huwebes ng gabi.

READ MORE:  Suicide ng estudyante ipinabubusisi ng DepEd

Kinilala ang suspek na si alyas Allan, binawian ng buhay bunsod ng mga tama ng bala sa katawan.

Habang nasa mabuti nang kalagayan sa Pasay City General Hospital si PO2 Jerry Jubail, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP-7) ng Pasay City Police.

Base sa ulat na nakarating kay Southern Police District (SPD) Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., director ng Southern Police District (SPD), nakatanggap ng timbre ang Brgy. 153 at ng PCP 7 mula sa mga residente, na may kahina-hinala at armadong lalaki sa lugar kaya agad nagresponde ang mga pulis kabilang si PO2 Jubail.

READ MORE:  Assets ng 3 senador binubusisi na ng AMLC
READ MORE:  ‘Tamang-hinala’ ipinakulong ng dyowa

Nang mapansin ng suspek ang parating na mga pulis, agad siyang nagpaputok bago tinangay ang isang pizza e-trike at tumakas ngunit hinabol siya ng mga awtoridad dakong 8:20 pm.

Pagsapit sa Magallanes flyover sa Makati City, muling nakipagbarilan ang suspek na kanyang ikinamatay habang tinamaan ng bala sa tiyan si PO2 Jubail. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved