Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Si Kian ba ang magpapabago sa moralidad ng PNP?

Si Kian ba ang magpapabago sa moralidad ng PNP?

HINDI lang wasak, kung hindi durog pa ang moralidad ng PNP sa kaso ng pagpatay sa teenager na si Kian de los Santos ng Caloocan City.

Sa social media, nagbabangayan ang anti at pro Duterte, pati na taong bayan ay nagtatalo-talo sa kaso ni Kian.

***

Maraming ahensiya ang nag-iimbestiga, ngunit mas pinili ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang NBI, ang CIDG ay pumasok na rin. So ang paniniwalaan natin ay NBI? Dahil ito ang gusto ng Pangulo?

Hindi ba sinabi ng Pangulo nang makita niya ang video footage ay buhay pa si Kian habang bitbit ng dalawang pulis. Ibig sabihin, sadyang pinatay si Kian habang nakasubsob, posibleng binugbog pa kaya napasubsob at saka binaril sa tenga at sa loob ng tenga.

***

Sabi ng PNP sa kanilang intelligence information, adik si Kian. Sabi ng mga kalugar, hindi adik si Kian. Siguro dapat nang malaman ang katotohanan, dahil ang pagkamatay ni Kian ay ehemplo ng brutal na pagpaslang sa isang teenager.

***

May katotohanan man na tunay na adik o runner ng ilegal na droga si Kian, ang sistema ng pagpatay ay mali! Inaresto na, dapat dalhin sa pre-sinto! Sa ganang akin, tama lang na nakasibilyan ang isang pulis, pero kapag nahuli na ang target dapat may mga kasamang unipormadong pulis. Dahil kung unipormado ang aaresto posibleng makatakbo ang target papalapit pa lamang.

***

Nakita ko ang pag-iyak ng mga magulang ni Kian, nakahahabag na mga magulang. Kilala nila si Kian bilang isang batang mabait, mapagbiro at may pangarap sa buhay. Sabi nga, ang magulang ang higit na makakikilala sa tunay na pagkatao ng kanilang mga anak. Sinabi din ng mga kababata ni Kian ang klase ng pagkatao niya. Sapat na ba ang mga pahayag na ito upang maniwala tayo?

***

Kung minsan marunong magtago ng lihim ang ating mga anak lalo na kung mali ang ginagawa, biro nga ng isang kaibigan ko, “Kung ang mga mister nga, asawa mo na katabi mo na sa pagtulog, nangangaliwa pa nang hindi alam ni misis!

***

Pumasok din sa aking haka-haka, na hindi kaya si Kian kung totoo ang akusasyon na runner ng ilegal na droga, hindi kaya pinatay siya dahil hindi nag-remit ng pera na ibinayad ng diniliberan niya? At ang mga suspek na pulis ay miyembro ng sindikato ng ilegal na droga? O kaya ay marami nang alam si Kian at may napagsabihan ng kanyang gawain? Ilan ‘yan sa haka-haka lamang para patayin si Kian, napakababaw nang walang dahilan!

***

bang klase na kasi ang mga kabataan ngayon, dumidiskarte nang hindi alam ng mga magulang makabili lang ng mga mamahaling gadgets, celfon at kung ano-ano pa, bukod pa sa tumitikim na ng ilegal na droga.

***

Hintayin na lamang natin ang resulta ng imbestigasyon! Pero tiyak na kulong ang mga pulis na pumatay! Dahil buhay na nakita sa video footage si Kian, kaya dapat managot ang mga may kagagawan!

***

Sa pangyayaring ito kay Kian, tuluyang bumagsak ang imahen ng PNP, kaya mga magulang bantayan ang mga anak, akala ninyo mabait ‘yun pala may diskarte nang ilegal! Dapat pati mga FB ng mga anak ninyo pinakikialaman dahil isa sa paraan ‘yan para magkaroon ng transaksi-yon!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

COMMENTS

About Amor Virata

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved