Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / MTRCB Board Member appointment, tinanggihan ni Bayani Agbayani
MTRCB Board Member appointment, tinanggihan ni Bayani Agbayani

MTRCB Board Member appointment, tinanggihan ni Bayani Agbayani

INA-APPOINT pala si Bayani Agbayani bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) pero hindi niya ito tinanggap.

Hindi kasi niya magagampanan ang tungkulin/trabaho dahil laging puno ang schedule niya.

“Kasi unang-una, mayroon akong Kawasaki provincial tour. Mayroon akong sitcom, series kay Jodi (Sta. Maria) at saka kay Robin (Padilla). So, hindi ko magagawa ‘yung trabaho ko sa MTRCB,” ani Bayani sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Patuloy niya, ”Ever since naman, sa awa ng Diyos, hindi naman ako nabakante talaga. And natapat naman na noong in-appoint ako sa MTRCB board, eh, talagang punompuno. Eh, ayoko naman na magtatrabaho na hindi ko naman magagampanan ‘yung trabaho ko. ‘Di parang niloloko ko naman ‘yung ibinabayad sa akin na taxes ng mga tao.”

(ROMMEL PLACENTE)

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved