Saturday , August 19 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lovi, na-challenge sa Woke Up Like This
Lovi, na-challenge sa Woke Up Like This

Lovi, na-challenge sa Woke Up Like This

INAMIN ni Lovi Poe na ngayon lang siya nag-comedy kaya naman very challenging sa kanya ang bago nilang pelikula ni Vhong Navarro, ang Woke Up Like This ng Regal Films na mapapanood na sa August 23 mula sa direksiyon niJoel Ferrer.

Mas gamay na kasi ni Lovi ang pagdadrama dahil mostly ng projects na ginagawa niya ay drama. Mas sanay na nga siyang umiyak kaya kakaiba talaga sa kanya ang magpatawa.

Nag-enjoy naman siya nang gawin ang pelikula nila ni Vhong at kuwelang-kuwela sa kanyang mga eksena.

Kabituin rin ditto sina Raikko Matteo, Yanna Assistio, Cora Waldel, at Dionne Monsanto na idinirehe ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.

MATABIL – John Fontanilla



About John Fontanilla

Scroll To Top