Saturday , October 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Sports / Rain or Shine itinulak si Chan pa-Phoenix
Rain or Shine itinulak si Chan pa-Phoenix

Rain or Shine itinulak si Chan pa-Phoenix

ISA-ISA nang nalalagas ang mga piraso ng dati’y malupit at matatag na Rain or Shine Elasto Painters.

Ito ay matapos ngang itulak ng Rain or Shine ang batikang tirador na si Jeff Chan patungong Phoenix Fuel Masters kahapon sa kalagitnaan ng 2017 PBA Governors’ Cup elimination round.

Mapupunta ang Negros Sniper na si Chan sa Phoenix kapalit ni Mark Borboran at future 2nd round pick, ayon kay Gerry Ramos ng Spin.ph.

Habang sinusulat ang balita ay hinihintay na lamang ang pinal na pag-apruba ni PBA Commissioner Chito Narvasa matapos maisumite sa kanyang opisina ang mga papeles ng naturang trade.

Buhat nang malipat sa ROS noong 2009 dahil sa trade mula sa orihinal na team na Red Bull, nakilala na si Chan bilang isa sa mga pinakamapanganib na kamador ng tres sa buong FIlipinas.

Kasama ang core players ng Rain or Shine na sina Beau Belga, JR Quinahan, Jireh Ibanez, Gabe Norwood at Paul Lee, nagabayan ni Chan ang ROS sa 2 kampeonato noong 2012 at 2016.

Naging Finals MVP ang 33-anyos na si Chan noong 2012 Governors’ Cup championship ng ROS at pagkatapos noon ay napasali sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championship noong 2013 at FIBA World Cup noong 2014.

Nagrerehistro si Chan sa kanyang 11 taong karera sa PBA ng 10.9 puntos, 2.9 rebounds at 2.0 assists at kumakabit ng 32% ng kanyang mga tira mula sa tres.

Ngayong 2017 Govs’ Cup, kumakamada si Chan ng 9 na puntos.

Noong Oktubre noong nakaraang taon, lumipat si Coach Yeng Guiao sa NLEX Road Warriors. Buhat noon, na-trade na si Lee sa Star kapalit ni James Yap at gayondin si Quinahan sa Globalport kapalit ni Washington at ngayon, si Yap naman.

Unti-unti, paubos na ang ROS at puro bagong mukha na ang naglalaro ngayon maliban sa mga natitirang solidong E-Painter na sina Norwood at Belga. (JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top