Monday , February 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, may Rainy day SOUPrise sa mga misis
Marian, may Rainy day SOUPrise sa mga misis

Marian, may Rainy day SOUPrise sa mga misis

NAGING matagumpay ang paglulunsad ni Marian Rivera sa mga produkto ng Mega Prime na magiging kasa-kasama ngayong tag-ulan.

‘Ika nga niya, kung ang mga inuming malalamig ay kasa-kasama sa tag-araw, wala namang makatatalo sa isang mainit na sabaw ng sopas ngayong tag-ulan. At ito ay nagmumula sa Mega Prime.



Sa napakaraming soup dishes, wala ng lalapit pa sa goodness ng classic vegetable soup. Sa pamamagitan ng Mega Global Corporation’s vegetaline line tulad ng Mega Prime Quality, ang bago at madaling lutuing soup recipe na ipinakilala nila kamakailan, nakatitiyak ng masarap na mainit na sabaw.

“We belive that rainy days are opportunities to foster closer family ties through good food, particularly a hot and hearty bowl of soup. To give them more recipe options, we are introducing new soup recipes using Mega Prime Mushrooms,” ani Raymund Alegre, Brand Manager ng Mega Prime at New Production Developments. ”For every Prime Mom’s soup recipe, we have the Mega Prime Mushroom line that is a versatile ingredient that they can use to make their dishes more appetizing and hearty—making them savvy chefs of their households.”

At sa pamamagitan nga ng kanilang Rainy Day SOUPrise, itinampok ang cooking demo ni Chef Nino Logarta kasama si Marian na naghanda ng soup dish gamit ang Mega Prime Mushrooms.

Bukod sa cooking demo, naging bahagi rin ang pagpapakita ng ilang mga mommy na magpakita ng kanilang culinary talent. Itinampok ang Mega Mystery Box Challenge na pinili para makapaghanda ng kanilang sariling bersiyon ng Mega Prime Mushroom recipe.



Nagkaroon din ng online contest na inanyayahan ang ilang mga misis na ipakita ang sariling mushroom soup recipes. Apat sa mga iyon ang inanyayahan sa event para sa live-cook-off at ang inihanda nilang dishes ay napili base sa taste at concept, presentation at kung paano nila ginamit ang Mega Prime products sa kanilang sariling recipe.

Nagkamit ng cash prizes at gift items mula sa Mega Prime ang mga nanalo.

“With The Rainy Day Souprise event, we hope to impart new cooking recipes to help Prime Mom prepare satisfying soup ishes, suited for the rainy season. I hope everyone who attended the Rainy Day Souprise evetn enjoyed and learned a lot from all the activities that we prepared today,” giit naman ni Marvin Tiu Lim, Vice President for Sales and Marketing ng Megal Global.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved