Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maris at Iñigo, magpapakilig sa MMK
Maris at Iñigo, magpapakilig sa MMK

Maris at Iñigo, magpapakilig sa MMK

#MMKLoveTeam Ito ang hashtag ng episode na matutunghayan sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Agosto 5, sa Kapamilya.

Love Team ang iikutang istorya ng mga katauhang bibigyang buhay nina Maris Racal at Iñigo Pascual bilang sina Lou Ann at Allan.

Na pinagdikit na ng kanilang mga kaklase at kaibigan sa panahong nag-aaral pa lang sila.

READ MORE:  Nakababatang kapatid ni Bong, Sharonian

Kikiligin sa istoryang natisod ni Mark Angos at idinirehe ni Mae Cruz Alviar. At kasama namang magsisiganap sina Arlene Muhlach as Tita, Heaven Peralejo as Jackelyn, Vivoree Esclito as Cherry, Andre Yllana as Dom, Amy Nobleza as Jona, Jairus Aquino as Paul, Kokoy de Santos as Von, Nikki Bagaporo As Riza, Rochelle Barrameda as Mel, Bea Basa as Young Lou Ann, at Noel Comia as Young Allan.

Umikot sa high school life nina Lou Ann at Allan ang pagiging love team nila na may na-develop na damdamin para sa isa’t isa. Pero alam naman natin si Fate. Laging may test. Dinala ng trabaho niya sa Dubai si Allan. Kaya sa kalaunan, hindi nila nakaya ni Lou Ann ang LDR o long distance relationship. Mas naghamon pa si Fate—kung ngayong nag-iba na ang twist ng mga puso nila eh, may matutuklasan pa ba sila sa kanilang muling pagkikita?

READ MORE:  Heart at Lovi, fresh na fresh kahit naiinitan ng araw (4 sa presidentiable, kitang-kita na ang pagka-stress)
READ MORE:  Kris, may bago na naming endorsement

At kung manunumbalik ba ang Love Team ng high school life sa buhay pagkatapos nito.

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved