Saturday , October 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Ang Zodiac Mo (August 01, 2017)
Ang Zodiac Mo (August 01, 2017)

Ang Zodiac Mo (August 01, 2017)

Aries (April 18-May 13) Ikaw ay magiging masigla at puno ng enerhiya ngayon.

Taurus (May 13-June 21) Hindi maitutuon ang atensiyon sa ginagawa dahil mayroong gumugulo sa iyong isip.

Gemini (June 21-July 20) Kulang ka sa determinasyon ngayon kaya hindi mo matatapos agad ang mga aktibidad.

Cancer (July 20-Aug. 10) Kung puno ka ng enerhiya ngayon, hindi ka titigil sa pagkilos hangga’t hindi natatapos.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ano man ang iyong gawing pagsusumikap, posible pa ring hindi matamo ang hinahangad na resulta.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Sundin ang iyong nararamdaman sa mga nais gawin.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Upang hindi maramdamang nag-iisa at walang saysay, gumawa ng magandang bagay.

Scorpio (Nov. 23-29) Sa paunti-unti ngunit siguradong paghakbang, makakamit din ang mga pangarap.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila lalo na ang mga nangangailangan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Magiging paborable ang araw na ito para sa iyo.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Hindi ito ang mainam na sandali para sa aktibong paglahok sa ano mang proyekto.

Pisces (March 11-April 18) Tandaan na hindi ka nag-iisa sa mundo at magiging maayos din ang mga bagay.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ramdam mong higit ang taglay mong enerhiya, ikaw ay masigla at aktibo.

ni Lady Dee

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top