Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / PCSO at PNP mag-uusap na sa Anemic na aksiyon vs illegal gambling
PCSO at PNP mag-uusap na sa Anemic na aksiyon vs illegal gambling

PCSO at PNP mag-uusap na sa Anemic na aksiyon vs illegal gambling

Matapos magbanta si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan na babawasan niya ang budget na ipinagkakaloob sa Philippine National Police (PNP) ng kanilang ahensiya dahil tila ‘anemic’ ang kampanya ng pambansang pulisya laban sa illegal gambling, heto at maghaharap na sila.

Mukhang nasaling ang ‘ego’ ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa pahayag ni GM Balutan kaya heto, naghahamon ang punong pulis na ilatag nila ang kani-kanilang baraha.

Anyway, sa totoo lang, ngayon lang tayo nakakita nang ganito katapang na PCSO general manager. Naghamon pa nga si GM Balutan na ilalaan nila ang budget na babawasin nila sa PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa totoo lang, mukhang kailangang ganito ang maging posisyon ni GM Balutan para huwag malugi ang gobyerno.

Hindi biro ang gastos ng gobyero sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) pagkatapos ang makikinabang at kikita nang limpak-limpak e mga gambling lords?!

Sa Maynila lang, alam na alam sa bawat komunidad na buhay na buhay ang illegal gambling.

Sabi nga, name it and they have it.

Alam kaya iyon ni Manila Police District director Chief Supt. Jigz Coronel?

Malaking ‘arayku’ kung hindi pa niya alam ‘yan!

Pansamantala, aabangan natin kung ano ang magiging resulta ng ayusan este usapan ng PNP at PCSO.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved