Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yassi ‘di kakayaning maging leading lady sa Ang Panday
Yassi ‘di kakayaning maging leading lady sa Ang Panday

Yassi ‘di kakayaning maging leading lady sa Ang Panday

Anyway, sa pelikulang Ang Panday na mismong si Coco Martin ang producer, director, at bida na mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2017 ay hindi si Yassi ang kinuhang leading lady kaya tinanong ang aktres na kapareha ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano kung ipinaalam ito sa kanya o nagpasintabi man lang?

“Ay hindi naman po, grabe! Wala naman po ako sa ganoong posisyon, napag-uusapan lang po namin (set) na ‘yung cast ng ‘Probinsyano’ ay parte rin po ng ‘Ang Panday’ at saka marami rin pong bago. At saka (okay lang na hindi kasama) para maiba rin (cast), ako excited po ako sa kanila,” katwiran ng leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano.

READ MORE:  Ara, kakandidato na naman kaya sinisiraan

Hindi na rin kakayanin pa ng aktres kung sakaling kasama siya sa Ang Panday dahil mula Lunes hanggang Sabado ang tapings niya ng Ang Probinsyano at Linggo naman ang shooting ng Pambansang Third Wheel mula sa Viva Films.


Aniya, ”Hindi ko na nga po nakikita ‘yung bahay namin pati family ko kasi sobrang walang oras po talaga.”

READ MORE:  Nadine, rarampa ng sexy!

Kaya kung may kaunting oras siyang bakante ay itutulog na lang niya dahil ito ang hinahanap ng katawan niya ngayon.

READ MORE:  Klaudia Koronel, wish muling makatrabaho sina Michael V. at Joey de Leon

Pero hindi naman nagrereklamo si Yassi sa rami ng blessings niya at sa katunayan, sobrang thankful siya sa lahat lalo na sa Ang Probinsyano na talagang malaki ang naitulong sa career at personal niyang buhay.

Kaya wala ring lovelife ang aktres dahil wala siyang panahon at hindi rin niya ito prioridad.

ni REGGEE BONOAN

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved