Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 adik huli sa OTBT (Sa Maynila)
4 adik huli sa OTBT (Sa Maynila)

4 adik huli sa OTBT (Sa Maynila)

ARESTADO ang apat na suspek sa isinagawang one time big time operation ng Station Drug Enforcement ng Meisic Police Station (PS-11), sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Balisi, alyas Roy, 41-anyos, single, kargador, residente sa Area C, Gate 54, Parola Compund; Jonathan Marcellana, 30-anyos, single, resi-dente sa Area H, Gate 62; Jan Robin Robita alyas Jan-Jan, 20-anyos, single, walang trabaho, residente sa Area H, Gate 46 at si Jhun Dominador Dela Cruz alyas Jun, 32-anyos, single, walang trabaho, residente sa Area C, Gate 54.

READ MORE:  PH handa ba sa cyber attacks? — Sen. Bam
READ MORE:  DA sinisi sa taas ng presyo ng bigas

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang strip ng aluminum foil na may bakas pa ng hinihinalang shabu, isang disposable lighter, at isang gamit na sachet ng shabu.

READ MORE:  Droga sa Bilibid nakopo ni Jaybee Sebastian

Dinala sa MPD Crime Laboratory ang mga kompiskadong ebidensiya para sa eksaminasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drug Act.

(RONALINE AVECILLA)

COMMENTS

About Ronaline Avecilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved