Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kita Kita graded A sa CEB; AlEmpoy, nagpangiti at nagpa-iyak sa moviegoers
Kita Kita graded A sa CEB; AlEmpoy, nagpangiti at nagpa-iyak sa moviegoers

Kita Kita graded A sa CEB; AlEmpoy, nagpangiti at nagpa-iyak sa moviegoers

KITA na namin kung bakit nakakuha ng Graded A sa Cinema Evaluation Boardang pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil napaka-heartwarming ng pelikula.

Akalain mo dahil sa repolyo ay napasaya at napangiti ni Lea (Alessandra) si Tonyo (Empoy) na noo’y madilim ang mundo nito dahil heartbroken siya at naging palaboy siya sa kalye ng Sapporo, Hokkaido Japan.

Ito ang kuwentong mapapanood sa kalahating bahagi ng Kita Kita base sa point of view ni Tonyo (Empoy) hindi kasama sa trailer dahil ito ang twist ng istorya.

READ MORE:  Bela nakapagtatrabaho pa rin kahit kasama ang dating BF

Ang gustong ipahiwatig ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa Kita Kita ay a little act of kindness can save a soul na akala ng lahat ay si Alex ang isinalba ni Empoy sa pelikula dahil nga nagkaroon ng temporary blindness ang dalaga dahil sa stress.

READ MORE:  Luigi Revilla, lulutang sa Tres, pang-action star ang hitsura at porma

In return ang pagtulong ni Empoy kay Alex sa magandang ginawa sa kanya ng dalaga.

Masaya at nakaaaliw ang unang bahaging kuwento ng Kita Kita base na rin sa napapanood sa trailer pero iiyak ka sa huli.

Magaan panoorin ang tambalang AlEmpoy dahil napaka-natural ng banter nila kaya inisip nga namin kung kasama sa script iyon o adlib nila dahil kaswal ang bitaw nila ng mga salita.

READ MORE:  Karla, nagkalat sa concert

Marami pa sana kaming gustong ikuwento, pero ayaw naming i-preempt ang mga manonood ng Kita Kita na kasalukuyang palabas ngayon sa mga sinehan nationwide.

Tama si Binibining Joyce Bernal, hindi ito typical romcom movie, it’s a romance reality movie.

Ang Kita Kita ay produced ng Spring Films at distributed ng Viva Films mula sa direksiyon ni Bernardo.

ni REGGEE BONOAN

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved