Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo, isang ‘paasa’, pambubuking ni Direk Joyce
Piolo, isang ‘paasa’, pambubuking ni Direk Joyce

Piolo, isang ‘paasa’, pambubuking ni Direk Joyce

 

PANAUHIN ang magkaibigang Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal sa Tonight With Boy Abunda at nagkatawanan ang mga sa loob ng estudyo ng ABS-CBNnang tanungin ni Boy Abunda ang director kung anong ugali ng babae ang ayaw ni Piolo?

“Paasa siya! agad na sagot ng director na sobrang ikinatawa ng aktor.

Nang tanungin naman kung sino sa mga girl ang lagi nilang pinag-uusapan?”Maganda siya at mahaba ang buhok,” pambubuking nito na agad namang hinarang aktor.

Ang alam naming mahaba ang buhok at endorser pa ng shampoo ay ang anak ni Sharon Cuneta kaya ang tanong, hanggang ngayon ba ay ‘di pa rin maka-move-on ang aktor?

Sa interbyu sa actor, nasabi nito ang payo kay Inigo Pascual na huwag magpapaasa sa mga babae. Sa relasyong mag-ama, kahit sobra silang abala sa kanya-kanyang trabaho ay nagagawa pa nilang magtawagan araw-araw at magkumustahan. Kung may libreng panahon si Piolo ay dinadalaw nito ang anak sa set gayundin si Inigo. Sa tahanan ni Piolo natutulog ang anak. Ang pagsasama nilang mag-ama sa ASAP ay itinuturing na isang bonus sa kanila kaya masaya sila tuwing araw ng Linggo.

 

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved