Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lola kinatay ng kawatan
Lola kinatay ng kawatan

Lola kinatay ng kawatan

 

TADTAD ng saksak at patay nang matagpuan ang isang 86-anyos lola makaraan pagnakawan sa kanyang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Prescila Trinidad, residente sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo.

READ MORE:  Balik-doktor ni Hayden haharangin ni Katrina

Samantala, ikinokonsiderang “person of interest” ang houseboy ng biktima na patuloy pang kinikilala, dahil hindi matagpuan sa bahay.

Ayon sa kaanak ng biktima, hindi nila kilala ang houseboy dahil bihira silang magpunta sa bahay ng matanda.

READ MORE:  Purisima, 11 pa iniimbestigahan ng Ombudsman (Sa maanomalyang PNP contract)

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 am nang matuklasan ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natuklasan ang bangkay nang maghahatid ng pagkain para sa biktima ang isa sa mga kaanak ng matanda.

READ MORE:  Driver/bodyguard ng konsehal sugatan sa service firearm

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU, robbery ang nakikitang motibo sa krimen dahil nawawala ang mga alahas at cash ang biktima. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved