Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wowowin, naapektuhan sa pagkawala nina Super Tekla at Randy
Wowowin, naapektuhan sa pagkawala nina Super Tekla at Randy

Wowowin, naapektuhan sa pagkawala nina Super Tekla at Randy

 

MARAMI ang nakakapansin na mukhang wala ng fire o init ng pagtatanghal ang programang Wowowin buhat noong nawala si Randy Santiago.

Parang biglang lumambot at lumamlam ang show ni Willie Revillame idagdag pa ang pagkawala rin ni Super Tekla na isa sa dahilan kung bakit click na click ang show ni Willie.

Nawala na ang mga patawa nitong hinahalakhakan ng mga manonood.

READ MORE:  Mga super hot na eksena nina Coleen at Derek sa Ex With Benefits 'di raw pinagselosan ni Billy Crawford, Derek Ramsay masaya sa kanyang pagbabalik sa Star Cinema

Maging sa studio audience na dating pahiga-higa pa sa flooring ng studio ay nawala na at hindi na umiindak ang karamihan.

Nasaan na nga kaya si Tecla?

Samantala, naikuwento ni Tekla na pinagsabihan umano siya na magpahinga muna kaya nakaramdaman ang komedyanta na parang nanlamig na ang pakikitungo sa kanya. Dati-rati raw kasi’y mainit ang pagtanggap sa kanya.

READ MORE:  Die hard fan ni Maine, tinawag na basura ang tabloid

May mga komento namang kumakalat na lagi siya sa casino na agad naman niyang pinasinungalingan at sinabing naglalaro lamang siya ng bingo.

May nakapagsabi pang, paano makakapag-casino si Tecla gaydung hindi naman super laki ang budget na ibinibigay sa kanya sa Wowowin.

Iginiit pa ni Super Tekla na wala siyang balak balikan ang dating bisyo, ang droga dahil isinuma na niya ito. Sa hirap nga naman ng buhay na pinagdaanan niya, imposibleng maisipan pa niyang balikan iyon.

READ MORE:  Fun run ni Ara, alay para sa mga batang may down syndrome

Payo lang namin kay Tekla, kung may pinutang nagsara, tiyak may bintanang magbubukas kaya huwag sana siyang mawalan ng pag-asa.

SHOWBIG – Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved