Friday , July 28 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ex-pulis MPD kinokopo ang 1602 sa Maynila!?
Ex-pulis MPD kinokopo ang 1602 sa Maynila!?

Ex-pulis MPD kinokopo ang 1602 sa Maynila!?

LUMALAWAK at umaalagwa ang mga latag ng ilegal na sugal o 1602 ng isang tinaguriang berdugong ex-Manila tulis ‘este Police sa lungsod ng Maynila na nasasakupan rin ng National Capital Region Police Office(NCRPO) ni RD General Oca Albayalde.

‘Yan ang positibong impormasyon na ipinarating sa atin ng bulabog boys sa MPD HQ at sa Manila City hall.

Kinilala ang ex-cop cum 1602 operator na si alias Tata MATANSERO A-Bad.

Kung dati ay video karera at bookies ng kabayo lang ang latag sa Sta. Mesa at Sampaloc area, iba na ngayon, dahil mas pinaigting at pinalalawak ni alias Tata Matansero ang mga butas ng kanyang bookies na dinagdagan pa ng STL cum tengwe, lotteng, bol-alai atbp.

Hanep ka bata!

Para palang slogan ng isang mall na “you got it all” ang 1602 operation ni alias tarantado Matansero sa Maynila?!

Magaling daw kasing mag-deliver ng intelihensiya si alias Matansero sa mga ‘kinauukulan’ sa MPD at city hall.

Ang siste, sa una lang pala magaling ang hinayupak, ayon sa mga beteranong pulis sa Maynila. Likas daw na tulisan ang mama dahil sa rami ng pinangakuan ng ganansiya ay lumobo at lumaki sa daang-libong utang sa mga obligasyon.

May ipinagmamalaki at pamatong malaking personalidad raw kasi si alias Tata Matansero sa kanyang illegal gambling operation sa Maynila.

Sonabagan!!!

May style bulok pa ang kumag na pababanatan sa konek niyang ilang taga-media ang mga kalaban na gambling lord para nga naman makopo ang 1602 sa isang area?!

Huwaw!

MPD DD Gen. Joel Coronel, ganyan ho ba katindi ngayon si Tata Matansero sa teritoryo ninyo?!

Ano nga ba ang accomplishments ni gambling lord Tata ‘Matansero’ Abad noong siya ay aktibo pa sa WPD?!

Nandidilat raw sa dami ng kakilalang notoryus na adik at kaibigang bigtime magbababoy ‘yan kaya sikat sa Tondo at Sampaloc, noon pa man…

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top