Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Prats, excited nang mag-shoot ng Ang Panday
John Prats, excited nang mag-shoot ng Ang Panday

John Prats, excited nang mag-shoot ng Ang Panday

 

HINDI naitago ni John Prats ang excitement nang kausapin namin siya sa story conference ng Carlo Caparas’Ang Panday na ididirehe at pagbibidahan ni Coco Martin mula sa CCM Creative Productions, Inc. na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017.

Ani John, isa siya sa mga pulis o peace maker sa Ang Panday. “Ang hirap nga eh pinaghandaan kong mabuti, ha haha,” pagbibiro nito dahil isa ring alagad ng batas ang ginagampanan niya sa kasalukuyan sa FPJ’s Ang Probinsyano na kasama rin niya si Martin.

“Kami-kami pa rin ang magkakasama gaya ng sa ‘Ang Probinsyano’. Solid kami kaya it’s really exciting kasi magkakaibigan talaga kami,” banggit pa ni John at sinabing nabuo ang pagkakaibigan nila sa Ang Probinsyano.

“Sa ‘Ang Probinsyano’ kami nagkakilala and magkakasama kami sa pelikula. And ‘yun naman ang gusto ni Coco siyempre first na pelikulang ididirehe niya, gusto n’ya kakilala na n’ya ang mga kasama n’ya.

“At kabisado na namin kung paano siya magtrabaho, kug paano kami magtrabaho. Roon ako nae-excite kasi ibang platform naman ang gagawin namin. Pero kami pa rin ang magkakasama.”

Nagbiro pa si John na halos araw-araw ay sila-sila nina Coco at iba pang gumaganap na pulis ang magkakasama.

“Basta nae-excite ako. Hindi ko pa alam kung paano ang magiging takbo ng first day namin,” kuwento pa ni John na masayang-masaya bagamat mababawasan ang araw na magkakasama sila ng kanyang anak at asawa.

COCO, IPINASILIP
ANG UNANG ARAW
NG SHOOTING
NG ANG PANDAY

 

READ MORE:  Joshua at Bimby, ‘santambak na bulaklak ang iniregalo kay Mother Lily

 

MASAYANG ipinakita ni Coco Martin sa pamamagitan ng pag-share ni Ferdy Lapuz (manager ng kapatid niyang si Ronwaldo) sa kanyang Facebook account ang unang araw ng shooting ng pelikulang ididirehe ng actor, ang Ang Panday, na entry nila sa Metro Manila Film Festival.

Noong Linggo naman ay isang video clip ang ipinasilip ni Coco ukol sa kanilang pelikula.

Ang Ang Panday ay remake ng popular Filipino action-fantasy film na base sa comics character na ginawa ni Carlo J. Caparas. Ito rin ang directorial debut ni Martin.

Makakasama ni Martin bilang leading lady niya ang beauty queen na si Mariel de Leon.

CHARO SANTOS,
MAS NAGING DARING
AT ADVENTUROUS

 

 

“NAGING daring at adventurous ako simula nang mag-retire.” Ito ang tinuran ni Ms. Charo Santos-Concio sa presscon ng Sun Life Financial ukol sa bagong ad campaign nitong Sun Smarter Life na siya ang brand ambassador.

Ayon kay Ms. Concio, mula nang magretiro siya bilang presidente ng ABS-CBN ay mas ginanahan siyang sumubok ng mga bagay na hindi pa niya ginagawa sa buong buhay niya.

Aniya, hindi dapat maging balakid ang edad para gawin ang mga bagay na mas makapagpapasaya sa atin.

Sinabi pa ng host ng Maalala Mo Kaya na, “Nag-enjoy ako mag-parasailing sa Boracay, nagpe-paint na rin ako ngayon. I just launched my leadership book, entitled ‘My Journey’, I met with some of our kababayans in different parts of the country to listen to their stories, this was part of ‘MMK’s’ 25th year anniversary celebration and of course I went back to acting.

READ MORE:  Mga awitin ni John Melo, sikat pa rin hanggang ngayon

“You know, who says 60 is retirement age, no one really retires, it’s a new life, there’s a lot of new adventures, and I still continue to dream, but the dreams are not so much about me na, but for my loved ones, my children most especially and my grand children. After all I worked hard all my life for my children they are my true inspiration,” giit pa ng award-winning actress at sinabing mas iniisip na ang mga mahal niya sa buhay kaysa sarili.

“Pero siyempre, kailangang ma-enjoy ko rin ang mga pinagpaguran ko sa loob ng maraming taon.

“Siguro po, there’s also a sense of serenity and calmness that comes with retirement. I’m open to trying a lot of new things and I get to face my fears. Mas naging daring ako ngayon, and more adventurous when it comes to my perspective in life.

“I live everyday and savor each day as it were my last. And so, all the fruits of my hard earned work are really meant to be a legacy to my children and my grandchildren, gusto ko pong makita na komportable ang maging buhay ng mga anak ko, ng mga apo ko ay makapag-aral at makapagtapos, makamit nila ang kanilang mga pangarap.

READ MORE:  Rocky Gutierrez, sales distributor ng Hokkaido Tracks Resort

“And I think all the assets that I have acquired through the years, can best be enjoyed by my loved ones if I plan about this efficiently and it is through the ‘leaving legacy’ of Sun Smarter Life, na puwede ring pagkatiwalaan ng bawat Filipino,” mahabang paliwanag pa ni Ms. Charo.

Sambit niya, ang Sun Smarter Life ang tutulong sa mga tulad niya para maprotektahan ang mga pamanang iiwanan para sa mga mahal natin sa buhay.

“These are not simply assets but my pamana for my children and apos. This is why estate planning is very important to me. Thankfully, I have this Smarter Life to help me ensure that mo matter what happens, my loved ones will be well taken care of and will not be burdened with estate taxes,” sambit pa niya. “Mas magiging panatag kayo sa Sun Smarter Life. Hindi n’yo na poproblemahin ang pagbabayad ng tax sa maiiwan n’yong pamana. It also gives me peace of mind knowing that when my time comes, my assets will efficiently be transferred to my family.”

SHOWBIZ KONEKMaricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved