Saturday , July 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga artistang nominado dapat dumalo, manalo man o matalo
Mga artistang nominado dapat dumalo, manalo man o matalo

Mga artistang nominado dapat dumalo, manalo man o matalo

 

Ilang minuto bago mag- 9:30 p.m. ay tapos na ang programa bagay na nagustuhan ng lahat dahil ang bilis ng pacing at hindi katulad sa ibang award giving bodies na nahihilo ka na sa gutom at antok dahil sa tagal kaya naman kaliwa’t kanang pagbati sa grupo ng SPEEd dahil on time silang natapos.

Ang mga dumalo rin ang nagsabing, ”sana ganito talaga ang dapat na tularan ng ibang award giving bodies.”

Maging ang production design sa stage ay napaka-simple rin kaya naman mas maganda at malinis tingnan sa malayo at sa TV camera, pati mga taong nasa likod ng production na pinamahalaan ng Viva Live ay maayos at kung mayroon mang sablay ay napaka-minimal na nanggaling pa sa mga artistang hindi siguro nakinig sa briefing na hindi na namin babanggitin kung sino.

Umaasa kami na sa ikalawang taon ng The Eddys ay maraming artista na ang dumalo tulad din ng pagdalo nila kapag may presscons o projects silang ipo-promote na humihingi sila ng tulong sa entertainment editors/writers para isulat sila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved