Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aljur, maaayos na ang acting sa paglipat sa Dos
Aljur, maaayos na ang acting sa paglipat sa Dos

Aljur, maaayos na ang acting sa paglipat sa Dos

HINDI na ini-renew ng GMA 7 ang kontrata sa kanila ni Aljur Abrenica noong nag-lapse ito, March this year. Hindi na kasi sila interesado sa serbisyo ng aktor after itong magsalita ng laban sa kanila.

Dahil nga wala ng kontrata si Aljur sa Kapuso Network, kaya nagdesisyon siyang lumipat na lang sa kalabang estasyon, ang ABS-CBN 2.

READ MORE:  Happy Birthday Sir Jerry!

Kamakailan ay nakita si Aljur sa production office ng Kapamilya Network, na may ka-meeting doon. Abangan na lang natin kung mapapanood na rin ba sa Dos si Aljur. Kukunin kaya siya rito o hanggang meeting lang siya?

Remember, magagaling ang mga actor na nasa pangangalaga ng Dos at alam naman natin na itong si Aljur ay hindi pa rin ganoon kahusay umarte, ‘di ba? Pero malay natin, baka kapag nasa Dos na si Aljur ay maging mahusay na rin siyang aktor. Knowing ABS-CBN na ‘yung mga lumipat sa kanilang mga artista from GMA 7, na hindi nabigyan ng magaganda at challenging roles, ay nabigyan naman nila, gaya nina Angel Locsin at Paolo Avelino, na naging dahilan para maipakita na may nalalaman din pala sila sa pagganap, ‘di ba?

READ MORE:  Aiza, lilipad ng US para sa planong IVF
READ MORE:  Kylie, kaiba ang saya sa pagbabati nina Robin at Aljur

At dahil nga sa ABS-CBN 2 kaya nakatanggap na sila ng acting awards. Baka ganoon din ang mangyari sa kaso ni Aljur kapag napunta na siya sa Dos.

(ROMMEL PLACENTE)

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved