Saturday , July 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joshua, pinakilig si Julia
Joshua, pinakilig si Julia

Joshua, pinakilig si Julia

TODO na ang pakilig ni Joshua Garcia kay Julia Barretto. After ng ‘sweet note’ noong nasa hospital ang young actress, may bagong paandar na naman siyang ginawa.

Ang haba talaga ng hair ni Julia dahil may surprise dinner date si Joshua para sa kanya na ginanap sa isang bahay noong Linggo. Kalalabas lang kasi ng hospital ni Julia.

Hindi pa mag-on ang dalawa pero nasa ligawan stage na.

Sa video na kinunan ng kaibigan ni Joshua na si Mark Coleta ay solid naman ang preparasyon ng young actor dahil ‘yung sahig ay napapalibutan ng bulaklak na may korteng puso with matching candles. Pati ‘yung dinaanan nila sa labas papunta sa table ay may mga nakatirik ding kandila.Sinabayan pa ng tugtog na You’re Beautiful ni James Blunt. Effort talaga.

Marami ang kinilig sa mga netizen, saan makakikita ang isang Josh dahil sobrang sweet.

Kakaiba na ginalingan masyado.

“Grabe, hindi ko na siya crush, love ko na siya.

“Nag-iisa ka talaga Golden Girl, pinaghandaan talaga ni Choshieee.”

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved