Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Resorts World Manila atat na atat nang mag-operate
Resorts World Manila atat na atat nang mag-operate

Resorts World Manila atat na atat nang mag-operate

Ilang restaurant at tindahan na pala ang nag-o-operate ngayon sa Resorts World Manila (RWM).

Business as usual, ‘ika nga! At ang balita natin, mga ilang linggo pa at baka mag-operate na rin ang casino.

Aba, magtataka pa ba tayo?

E iba lakas at impluwensiya nga no’ng may-ari ‘di ba?

Hindi nga napilit ng Senado na dumalo sa kanilang pagdinig si David Chua Ming Huat, ang chairman ng Travellers International Hotel Group, Inc., ang operator ng Resorts World Manila.

Tanging ang President na si Kingson Sian lamang ang humarap sa Senado at sinabing nakalabas na ng bansa si David Chua Ming Huat.

Hindi ba’t nambola ‘este sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sinuspendi nila ang lisensiya ng RWM casino habang iniimbestigahan kung paano nila tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kliyente?!

Pero sa ginagawang paghahanda ngayon ng Resorts World, mukhang mabilis na mabilis na lang, magbubukas na ulit ang casino nila.

Mukhang sa clientele din nila babawiin ang ipinangako nilang ipagkakaloob sa pamilya ng mga biktima?!

Kaya ang maugong na usap-usapan ngayon, hindi matatapos ang tatlong buwan, tiyak na bukas na muli ang Resorts World Manila.

Ganoon nga ba ‘yun, PAGCOR chair, Madam Andrea Domingo?!

Ang bilis naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  ‘Balintuwad’ na ensignia ng pangulo palpak na trabaho sa Palasyo

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved