Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy ayaw nang magpa-sexy, Banana Sundae iniwan na
Jessy ayaw nang magpa-sexy, Banana Sundae iniwan na

Jessy ayaw nang magpa-sexy, Banana Sundae iniwan na

“Ako pa, not at all,” tugon sa amin ni Luis Manzano sa chat with matching emoticon na nakatawa nang tanungin namin kung pinagbabawalan ba niya ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na magsuot ng sexy sa”Banana Sundae.

Lumaki nga naman sa showbiz si Luis, naiintindihan niya ang ganitong trabaho at kung ano ang kailangan sa show. Wala namang isyu na ganyan sa kanya na nakikialam sa suot ng nobya  maski noong karelasyon pa niya sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado atbp.

READ MORE:  Kiko Estrada, kapansin-pasin ang pagiging maangas, presko at mayabang

How true na wala na si Jessy sa nasabing gag show dahil hindi sila magkasundo ng wardrobe?

May tsismis na ayaw na raw yata ni Jessy na magpa-sexy. Kung hindi kami nagkakamali, isa sa dahilan na kaya kinuha siya sa Banana Sundae ay para sa opening na medyo sexy pero hindi naman bastusin.

READ MORE:  RisingStars Philippines: From Phone to Fame

Isa pang nagpahinga sa Banana Sundae ay si Pokwang dahil sa maselan ang pagbubuntis.  Kamakailan, may eksena rin si Pokwang sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagpaalam at sinundo ng BF. Senyales ‘yun na nagbabu na rin siya sa serye.

Pero patuloy sa pagpapatawa sa Banana Sundae  sina Angelica Panganiban,   Jason Gainza,John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, at Badji Mortiz. Abangan na lang kung sino ang mga guest nila na magbibigay aliw at magpapatawa sa mga netizen.

READ MORE:  Cesar sa ibinibintang na iregularidad: Baseless, wrong and untrue

Ang  Banana Sundae ay napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng  ASAP 20. Ang iba pang weekend show ng Kapamilya Network ay ang  Goin’ Bulilit at Home Sweetie Home.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved