Saturday , April 27 2024
gun QC

Volleyball coach, itinumba sa QC

BINAWIAN ng buhay ang isang volleyball coach makaran barilin sa sentido ng hindi nakilalang lalaki sa labas ng kanyang tindahan sa Molave Street, Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm, habang ang biktimang si Conrado Fonseca, Jr., ay naglalaro sa kanyang cellphone habang nakaupo, nang biglang dumating ang isang motorsiklo at siya ay binaril sa sentido.

Ayon sa pinsan ng biktima, dating gumagamit ng droga si Fonseca na nagta-trabaho bilang volleyball coach at referee.

Tumigil na aniya ang biktima nang isuko ng kamag-anak sa tanggapan ng isang konsehal at naging barangay volunteer.

Ngunit maaaring bumalik aniya sa paggamit ng shabu dahil muli siyang nagkaroon ng allergy sa balat na epekto ng paggamit niya dati.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *