Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, ‘di lang yaman ang ibinigay sa Marawi, nag-donate rin ng dugo
Angel, ‘di lang yaman ang ibinigay sa Marawi, nag-donate rin ng dugo

Angel, ‘di lang yaman ang ibinigay sa Marawi, nag-donate rin ng dugo

IBA naman ang kaso talaga ni Angel Locsin. Matapos niyang magbigay ng relief goods sa Marawi at walang dudang mayroon doong galing na mula sa kanyang bulsa mismo kagaya ng karaniwan niyang ginagawa noong araw pa, hindi lang ang laman ng kanyang bulsa ang kanyang ibinigay. Sa mga ganyang labanan, malaki ang demand para sa dugo dahil sa mga nasusugatan sa labanan. Kaya sa ganyang sitwasyon on alert naman ang Philippine Red Cross.

Isipin ninyong noong makarating sa Iligan ay nagpunta pa si Angel sa Red Cross para makapag-donate ng kanyang dugo. Kaya nga sinasabi ng mga tao roon, hindi lang ang kanyang yaman, maging ang kanyang dugo naibigay na ni Angel sa Mindanao. Sinasabi nga ng isang volunteer na nakausap namin, si Angel “ay isang superhero kahit na hindi na siya mag-Darna.”

Talagang hanga kami kay Angel. Anong say mo Wendell Alvarez?

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved