Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paolo, na-hotseat ng Dabarkads
Paolo, na-hotseat ng Dabarkads

Paolo, na-hotseat ng Dabarkads

HINDI nakaligtas si Paolo Ballesteros nang ma-hot seat nina Joey de Leon, Vic Sotto, at Allan K sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga. Inurirat kasi ng mga ito kung ano ba ang estado ng kanyang lovelife.

“Wala na,” tugon niya na tumatawa nang sagutin ang mga Dabarkads.

Humirit pa si Bossing Vic ng caption ni Paolo sa kanyang Instagram  account.

“Basta, thank you for the memories na lang!” pahayag ni Vic sabay tawa.

Sinundutan pa ni AK ng  birong nawala ang pagka-fresh ni Paolo pagkatapos siya tanungin ng mga co-host niya sa nasabing noontime  show.

Sumakay naman si Paolo at tumatawa niyang sagot na, ”May kasama kasing luha!”

Talbog! (ROLDAN CASTRO)

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved