Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza Soberano at Enriquel Gil may bagong teleserye sa Kapamilya network (Bukod sa Darna)
Liza Soberano at Enriquel Gil may bagong teleserye sa Kapamilya network (Bukod sa Darna)

Liza Soberano at Enriquel Gil may bagong teleserye sa Kapamilya network (Bukod sa Darna)

BUKOD sa Darna movie ni Liza Soberano sa Star Cinema na kasalukuyang binubuo ang cast, may bagong teleserye ang magandang aktres at ka-labtim na si Enrique Gil sa ABS-CBN.

Wala pang storycon ang bagong serye ng LizQuen pero kompirmadong ang magiging titulo nito ay “Bagani” na ididirek ng sikat na Kapamilya lady director at isa sa makakasama sa nasabing serye ang nagbabalik na si Maricar Reyes na huling nasilayan sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng Dreamscape Entertainment na pinagbidahan ni Bea Alonzo at napanood noong 2014.

Malaking good news ito para sa LizQuen fans, na siguradong excited ang lahat sa bagong proyekto ng kanilang iniidolong hottest love team.

Last 5 heartbeats ng “My Dear Heart” happy ending ba o may mamamatay?

Patuloy na nagbabahagi ng mga aral tungkol sa pamilya, pagmamahal, at pagpapatawad ang ABS-CBN primetime series na “My Dear Heart” na lubos na tinangkilik at minahal ng mga manonood gabi-gabi.

Inaabangan na nga nila ang magi-ging kapalaran ng batang bida na si Heart sa pagtatapos ng serye at kung ligtas na nga ba siya sa paghi-higanti ni Dok Francis.

Muling hina-ngaan at kinapulu-tan ng aral ang pa-labas nang patu-nayan ni Margaret (Coney Reyes) na walang bagay o yaman ang makapapantay sa pamilya matapos ang paghaharap nila ng mortal niyang kaaway na si Albertus (Robert Arevalo) noong Martes (Jun 6). Ipinakita ni-yang posibleng magbago ang isang tao sa pa-mamagitan ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap ng mga kamalian.

Bukod kay Margaret, kinabiliban din at nagsilbing magandang ehemplo sa kabataan ang batang si Heart sa pagkakaroon niya ng busilak na puso, na pinagkukuhaan naman ng lakas ng kanyang pamilya. Naging instrumento rin siya upang baguhin ang mga tao sa kanyang paligid at nagbigay inspirasyon upang mangibabaw ang pagmamahal sa kanilang mga puso.

Hindi naging rason ang mga pagsubok para kina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) upang sumuko. Nanatili silang matatag at puno ng pasasalamat sa Diyos sa kabila ng lahat ng pagsubok na kanilang hinarap, at nagbigay ito ng ins-pirasyon sa mga manonood.

Ginawa mang manhid ng kanyang mga karanasan, muling lumambot ang puso ni Gia (Ria Atayde) para sa kanyang anak at ibinigay ang lahat ng kanyang kaalaman at pag-aaruga upang mapagaling at mapabuti ang kalagayan nito.

Samantala, dahil nga sa mga aral na ibinabahagi ng serye, labis na kinaantigan at kinapitan ng mga manonood ang mga eksena ng palabas, kaya naman tinutukan ito gabi-gabi ng mga manonood sa buong bansa. Sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang “My Dear Heart” ng pinakamataas na national TV rating na 32.6%, at hindi kailanman naungusan ng mga naging katapat nitong programa. Matindi rin ang suporta ng netizens para sa palabas sa pagiging trending topic nito gabi-gabi sa Twitter at pag-ani ng papuri at libo-libong tweets.

Samantala, bagama’t nahuli na si Francis (Eric Quizon) sa kanyang mga kasamaan, gagawa ng paraan ang ama nitong  si  Albertus  (Robert Arevalo) upang ipagpatuloy ang pagpapabagsak kay Margaret at pagsira sa pangalan nito. Ngunit hindi ito dahilan para sa pa-milya ni Heart na sumuko at patuloy pa ring lalaban para kanyang paggaling.

Magtagumpay kaya si Albertus sa kanyang mga plano? Tuluyan na nga kayang gumaling si Heart? Ano pa nga kayang panganib ang nagbabadya sa kanilang mga buhay?

Huwag palampasin ang huling linggo ng teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang “My Dear Heart,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Rebelasyon ni Rigor
“Sa Ikaw Lang Ang Iibigin”
humamig ng mataas na rating
ISABEL NAG-UUMPISA NANG
PABAGSAKIN SI BIANCA

Humamig ng mataas na rating ang #ILAIRebelasyon episode noong Biyernes nang magpahayag si Rigor (Daniel Fernando) kay Victoria (Ayen Munji-Laurel) na paano kapag nalaman ng mister nitong si Roman (Michael de Mesa) ang kanilang lihim na si Gabriel (Gerald) at hindi Carlos (Jake Cuenca) ang tunay na anak ni Rigor.

Samantala nag-u-umpisa na   si  I-sabel (Coleen Garcia) sa kanyang maitim na balak kay Bianca (Kim Chiu) na pabagsakin at ang kanyang unang hakbang ay siraan ang dalaga kay Roman para tanggaling endorser ng Tiger Shark at si Gabriel na ang ipalit dito.

Nang kausapin ni Rigor ang binata ay agad na tinanggihan nito ang kanyang alok dahil ayaw niyang masaktan si Bianca na mahal na mahal ni Gabriel.

Mas intense at palaban para sa kanilang pa-milya ang matutunghayan sa Ikaw Lang Ang Iibigin na napapanood araw-araw pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tang-hali.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved