Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Alas, Amer papalit kay Guinto at Grey sa Gilas pool
Alas, Amer papalit kay Guinto at Grey sa Gilas pool

Alas, Amer papalit kay Guinto at Grey sa Gilas pool

NAKATAKDANG palitan nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Baser Amer ng Meralco Bolts sina Bradwyn Guinto at Jonathan Grey sa Gilas Pilipinas training pool.

Kinompirma ito ni coach Chot Reyes kamakalawa sa nangyaring trade sa pagitan ng maraming koponan noong nakaraang buwan.

Ang dating nasa Gilas pool na si Guinto mula NLEX at Grey mula Meralco ay pareho nang nasa Globalport Batang Pier ngayon kaya’t sumobra sa bilang ng napagkasunduang manlalaro ng bawat koponan sa Gilas.

READ MORE:  Trade kay Sean Anthony isinumite na sa PBA

Na-trade sina Guinto at Grey papuntang Globalport sa isang blockbuster trade na kinatampukan din nina JR Quinahan, Anthony Semerad, Garvo Lanete at Larry Fonacier.

Dahil doon, naging 4 ang Gilas pool players sa Global kasama na si Terrence Romeo at Von Pessumal.

READ MORE:  Torre idedepensa ang titulo (Battle of the GMs)

Ayon sa napagkasunduan ng PBA at SBP, isang PBA veteran at isang Gilas cadet lamang ang maipapahiram ng liga sa PBA at sa kaso ng Globalport, si Romeo at Pessumal iyon na nagbigay-daan sa pagbabago sa training pool.

Kaya’t hahalili para sa kanila si Amer ng Bolts at Alas ng Road Warriors.

READ MORE:  Paul George isinama sa laban vs Gilas

Hindi bago sa dalawa ang pagsali sa national team dahil naging kadete sila ng Gilas bago na-draft sa PBA.

Naglaro ang produkto ng Letran na si Alas para sa Gilas sa 2014 FIBA Asia Cup habang si Amer ng San Beda ay sa 2015 SEA Games.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved