Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carlo, bumigay na kay Shaina
Carlo, bumigay na kay Shaina

Carlo, bumigay na kay Shaina

SOBRA ang pagsisisi ni JC de Vera bilang si Rafael nang pagbuhatan niya ng kamay ang asawang si Camille (Shaina Magdayao) sa seryeng The Better Half dahil sa napanood nitong video na tila hinahalikan ng huli ang naunang asawang si Marco (Carlo Aquino) na ang totoo ay hinagkan lang bilang pasasalamat kasi ipinauubaya na niya ang asawa sa una.

READ MORE:  Lloydie, tikom ang bibig sa sampalan issue with Anne

Bumigay na si Marco (Carlo) sa pagmamahal niya para kay Camille (Shaina) na patuloy pa rin silang haharap sa mga pagsubok dahil susulsulan ni Denise Laurel (Bianca) si Rafael (JC) na kinakaliwa siya ng asawa.

Pero matapos matanggap ang kanyang pagkakamali, hindi titigil si Rafael para suyuin si Camille at gagawin ang lahat upang manumbalik ang saya ng kanilang pagsasama.

READ MORE:  Anak nina Vicki at Hayden, mahigit isang taon itinago

Samantala, muling gagawa ng mga hakbang si Bianca (Denise) at gagamitin ang kanyang impluwensiya para tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nina Camille at Marco at masiguro ang pagbawi niya sa pinakamamahal niyang asawa.

Maayos pa kaya nina Rafael at Camille ang kanilang pagsasama? Magtagumpay naman kaya si Bianca sa kanyang mga plano? Panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa The Better Half, pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

READ MORE:  Glydel Mercado bilib sa BeauteDerm at sa CEO nitong si Ms. Rei Tan

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top