Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, tuloy pa rin sa pagsusugal kahit walang trabaho
Aktor, tuloy pa rin sa pagsusugal kahit walang trabaho

Aktor, tuloy pa rin sa pagsusugal kahit walang trabaho

BILIB din naman ang aming source sa aktor na ito na bida sa aming kuwento.

Nitong nagdaang gabi kasi ay hindi lang nito basta natiyempuhan ang aktor sa isang sikat at dinadayong casino kundi ilang hibla lang ang distansiya nila sa kanilang mga kinauupuan.

Nasa slot machine ang sugarol na aktor, habang sinisipat-sipat ng aming source na hindi niya namukhaan.

READ MORE:  Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy

Sa pasimpleng pagsulyap ng aming source ay nagulat na lang siya sa biglang pagbabago ng hitsura ng namataang aktor, ”Malakas naman ang buga ng aircon sa casino, pero kung bakit pinagpapawisan si (pangalan ng aktor), tagaktak kung tagaktak! At alam mo pala kung bakit? Natatalo na pala siya ng P100 thou! Sa inis, lumipat siya sa ibang slot machine, ewan kung sinuwerte na siya!”

READ MORE:  Sky diving business ni Raymart, pinuntahan ni Steven Seagal

Nagtataka rin ang aming impormante kung bakit madatung ang aktor gayong walang naman itong pinagkakaabalahang trabaho.

READ MORE:  #ParangNormalActivity, tuloy pa rin sa TV5

“I’m sure, galing sa utang ang ipinangsusugal niya! ‘Di ba, balitang mahilig siyang mangutang sa mga mayayaman niyang kaibigan?” sey pa ng aming tipster.

Da who ang tinutukoy niyang sugarol na aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Filemon Labrador.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved