Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mosque at ospital bobombahin (Kapag pinagkutaan ng terorista)
Mosque at ospital bobombahin (Kapag pinagkutaan ng terorista)

Mosque at ospital bobombahin (Kapag pinagkutaan ng terorista)

HINDI mangingimi ang tropa ng pamahalaan na bombahin kahit ang Mosque kapag doon nagtago ang hinahabol na mga terorista sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press brifieng sa Palasyo kahapon.

“There are provisions, may exception ‘yun maski sinong taong armado na nag-harbor sa isang lugar maging hospital man ito o places of worship kung sila ay nagpupumilit at manatili doon, may provision do’n internationally na puwede silang gamitan ng karahasan,” ayon kay Padilla.

Aniya, hangga’t maaari ay iniiwasan ng tropa ng gobyerno na mag-lunsad ng aksiyong militar sa mga pagamutan at Mosque.

“Pinag-aaralan namin mabuti ‘di ko sasabihing titirahin pero pinag-aralan namin mabuti may kautusan si chief of staff we will avoid doing that as much as possible,” ani Padilla.

Batay sa ulat, gina-gamit na kalasag ng mga terorista ang mga sibil-yan at ang mga Mosque ay lunsaran ng kanilang pag-atake sa siyudad kaya nahihirapan ang puwersa ng pamahalaan na pasukin ang mga pinagkukutaan nila.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved