Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cordero, lifetime advocacy ang tumulong sa kapwa-Pinoy
Cordero, lifetime advocacy ang tumulong sa kapwa-Pinoy

Cordero, lifetime advocacy ang tumulong sa kapwa-Pinoy

MALAKING inspirasyon sa ating Asia’s Songstress Emma Cordero ang pagkahirang bilang Mrs. Universe 2016 na ginanap sa Japan.

Mula nang iginawad sa kanya ang titulo, nagkaroon siya ng tungkulin na panghabambuhay, ito ay tumulong sa kapwa-Pinoy na may world-class talent at achievers para ipadala sa Japan.

Kamakailan, kinoronahan naman ang mga nahirang na Mr. and Mrs. of Voice Of An Angel (VOAA) Universe World-Class 2017 (Japan) na ginanap sa Marco Polo Hotel sa pamamahala ng Queen of VOAA Universe International for the benefit of EMCOR Voice Of An Angel (VOAA) Foundation and NPO Houjin Ai Wo Agetai (I Wonna Give Love) Foundation. Gaganapin naman ang international pageant sa San Palace Hotel, Fokouka, Japan sa August 30 hanggang September 3, 2017.

READ MORE:  Dance Kids, naisantabi dahil sa Voice Kids at YFSF
READ MORE:  Piolo, handang maghintay kay Toni

Nahirang bilang Mrs. Queen of VOAA Universe ang movie producer na si Baby Go, Mrs. Philippines NCR Anna Manansala, Mrs. Philippines NCR  Myla Tsu,Mrs. Philippines Tokyo Michelle Taka, Mrs. Philippines Tokyo Maryflor Makawili, Ms. Philippines Region 8 and Ms. Queen of VOAA Universe and Mr King of VOAA Universe Sevillo Tamayo. Kasama ring kinoronahan sina Myla Tsutaichi at Michelle Takahashi bilang Ms. Philippines Tokyo para maging kinatawan ng ating bansa. Ito ang kauna-unahang proyekto ng WCE (Japan) Awards ni Cordero para sa kanyang foundation.

READ MORE:  She‘s Dating The Gangster, kombinasyon ng drama, kilig, comedy, at action!

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved