Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, never naging gaya-gaya kay Nadine
Kathryn, never naging gaya-gaya kay Nadine

Kathryn, never naging gaya-gaya kay Nadine

UNFAIR kay Kathryn Bernardo na mabansagang gaya-gaya kay Nadine Lustre just because nagtayo ng kanyang sariling nail salon ang una.

Yes, si Kat ang proprietress ng KathNails na pinasinayaan kamakailan. Paano siya magiging gaya-gaya samantalang endorser lang naman si Nadine ng nail salon na ang original image model na kinuha ng may-ari nito ay si Liza Soberano?

Kung tama ang aming pagkakatanda, third quarter ng 2015 nang kunin si Liza ng isang bagong nail salon bilang endorser. Nang hindi na nito ini-renew ang kontrata ng young actress ay si Nadine ang kinuha nila.

READ MORE:  Trainer ni PacMan na si Buboy Fernandez, sasabak sa Beki Boxer! (Itinatagong alas ni Pacman, matulungan kaya si Alwyn)

Sa kaso ni Kat, hindi lang siya endorder ng KathNails (katunog ng KathNiel loveteam nila ni Daniel Padilla), siya lang naman ang may-ari nito na open sa mga gustong mag-franchise.

Klaro?

RUFFA, NAMUMUTOK
ANG KATAWAN

060117 Ruffa Raymond Gutierrez

KABALIGTARAN ngayon ang Hitsura ng magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez.

READ MORE:  Sikat na loveteam, iniaangal na ng mga nakakatrabaho dahil difficult to work with na

Isang imposing billboard sa may Edsa ang nakabalandra na ipinakikita ang laki ng nawalang timbang kay Raymond (Richard’s twin brother). Exact opposite naman ‘yon ng pigura ni Ruffa.

Sa ilang beses kasi naming pagtutok sa segment na Jackpot en Poy sa Eat Bulaga ay referee ang role ni Ruffa sa mga magkakalaban. Bagamat walang dudang pagkaganda-ganda pa rin ni Ruffa (na mas pinatingkad pa ng kanyang makeup) ay halatang namumutok ang kanyang katawan.

READ MORE:  Costume ni Alden sa Victor Magtanggol, gawang Pinoy

Maybe Ruffa should take a cue from Raymond kung paano ang ginawa nitong pagpapayat. Between Ruffa and Raymond ay mas may career ang una, marapat lang na magkaroon ito ng diet regimen to keep her in shape.

Kahit kasi itim na ang kulay ng outfit ni Ruffa sa Eat Bulaga, hindi maitago nito ang kanyang “matronly figure.”

HOT, AW!Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved