Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot patay sa heat stroke
Kelot patay sa heat stroke

Kelot patay sa heat stroke

NATAGPUANG walang buhay isang 53-anyos lalaking hinihinalang inatake ng heat stroke sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Homicide Section, base sa LTO non-professional drivers license, kinilala ang biktimang si Teddy Sauler, ng 136-K 7th St., Kamias, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, natagpuan ng isang construction worker na si Jonel Duenlag, 23, ang biktima dakong 6:15 am habang nakahandusay malapit sa kanyang motorsiklo sa Sta. Mesa Town House sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, walang senyales ng foul play sa pagkamatay ng biktima kaya pinaniniwalaang heat stroke ang sanhi ng kamatayan.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top