Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Undercover cop patay sa minamatyagang drug suspect (Sa Balayan, Batangas)
Undercover cop patay sa minamatyagang drug suspect (Sa Balayan, Batangas)

Undercover cop patay sa minamatyagang drug suspect (Sa Balayan, Batangas)

BINAWIAN ng buhay ang isang undercover cop makaraan pagbabarilin ng minamatyagan niyang drug suspect sa Balayan, Batangas, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang pulis na si SPO1 Brian de Jesus, miyembro ng intelligence division ng Balayan Police Station.

READ MORE:  Chiz atat sa endorsement

Nakatakas ang suspek sa pamamagitan ni Rodolfo Macalindong, isa sa most wanted persons, at hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa naturang ba-yan.

Nagtungo si De Jesus sa covered court ng bayan bandang 1:20 am nang mabalitaang nanonood ng live band performance si Maca-lindong.

READ MORE:  12 pulis patay sa kampanya vs droga

Sa kainitan ng concert, biglang binaril ni Macalindong ang pulis.

Nadamay ang anim sibil-yan na nanonood din ng concert, kasalukuyang nila-lapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon sa lokal na pulisya, tumakas si Macalindong makaraan ang pamamaril, kasama ang tatlo pang armadong lalaki, isa sa kanila ay kinilalang si Francisco Arroyo.

READ MORE:  Pinoy TNT sa US bahala si Trump

Ayon sa mga saksi, may dalang mahahabang baril ang grupo ni Macalindong.

Pinaghahanap ng mga lokal na pulisya si Macalindong at ang kanyang mga kasamahan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top