Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 5,200 OFWs nagpalista sa amnesty program sa Saudi Arabia
5,200 OFWs nagpalista sa amnesty program sa Saudi Arabia

5,200 OFWs nagpalista sa amnesty program sa Saudi Arabia

LUMOBO sa 5,200 ang bilang ng undocumented OFWs sa Jeddah, Saudi Arabia, na nagpatala para sa 90-day amnesty program, na nagsimula noong Marso.

Sinabi ng Philippine Consulate head sa Jeddah na si Consul RJ Sumague nitong Martes, umabot na 5,200 ang mga nakapagrehistro sa konsulada mula noong 26 Marso.

READ MORE:  Stepdaughter ‘trinabaho’ ng obrero

Halos karamihan aniya sa mga humahabol magparehistro ay mga dating nagtatrabaho bilang mga kasambahay na tumakas sa kanilang mga amo.

Aniya, posibleng umabot pa sa 7,000 ang bilang ng mga kababayan natin na magparerehistro bago magtapos ang amnesty program ng pamahalaan ng Saudi Arabia para sa mga illegal foreign workers doon.

READ MORE:  P3-M presyo ng drug lord ‘Dead or Alive’ (Digong mag-aabono)

“Meron pa natitirang mahigit isang buwan, at sa dami ng mga tumatawag at nag-i-inquire tungkol dito, abutin ng pitong libo ang mga kababayan nating magpapalista para makauwi,” pahayag ni Sumague.

READ MORE:  Travel advisory itinaas para sa OFWs sa HK

Sa kasalukuyan bilang ng nagpalista, amabot na sa 500 ang mga nakauwi sa Filipinas.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top