Wednesday , June 28 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robi Domingo, Chinese beauty ang weakness
Robi Domingo, Chinese beauty ang weakness

Robi Domingo, Chinese beauty ang weakness

SINO-SINO ba ang nabalitang pinormahan ni Robi Domingo noong PBB days niya hanggang ngayon? Kalalabas lang nito sa Bahay Ni Kuya nang sa isang interbyu ay inamin niyang type niya si Kim Chiu. Pero hanggang tingin lang ang drama nito dahil baguhan pa siya noon at wala pa siyang puwedeng ipagmalaki.

Ang isa pang dahilan kaya hindi ito makaporma sa aktres ay dahil ‘taken’ na ito noon ni Gerald Anderson.

Pero ngayon, kung kailan handa na siyang manligaw ay nasingitan naman siya ni Xian Lim. Hanggang nabalitaan na lamang naming na si Gretchen Ho na ang karelasyon niya na nauwi rin sa hiwalayan.

Ngayon, kay Sandara Park naman siya nali-link. Napansin lang naming na pawang chinita ang mga nagugustuhan niya. Kaya puwedeng sabihing Chinese beauty ang weakness ng TV host.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top

Get Widget