Wednesday , June 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, tinanggap ang puna ni Richard (Sa mala-karaokeng pagkanta)
Daniel, tinanggap ang puna ni Richard (Sa mala-karaokeng pagkanta)

Daniel, tinanggap ang puna ni Richard (Sa mala-karaokeng pagkanta)

MAPAGKUMBABANG tinanggap ni Daniel Padilla ang opinion ni Richard Reynoso na nagmukhang karaoke ang Big Dome dahil sa pagharana niya sa mga candidate ng Binibining Pilipinas 2017.

“Ewan ko. Pasensiya na siguro. Mali siguro ako,” tugon niya sa panayam nina Ambet Nabus at Gretchen Fullido sa programa nilang Chismax sa DZMM.

“Hayaan n’yo na may opinyon naman ang lahat ng tao. Kung ‘yun ang opinion niya wala naman tayong magagawa,” dagdag pa ni DJ.

May mensahe rin si Karla Estrada sa kanyang Facebook page na inaakala ng netizens ay patutsada kay Richard.

“Ang pilit na ibinababa ay siyang itinataas. Maraming salamat, Panginoon dahil sa kabila ng lahat ng mga nangyayari, alam ko pong hindi niyo pababayaan at patuloy na gagabayan si DJ. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagmamahal kay DJ. Pagpalain tayong lahat.”

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved