Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, excited sa pictorial ng kauna-unahan niyang billboard
Sylvia, excited sa pictorial ng kauna-unahan niyang billboard

Sylvia, excited sa pictorial ng kauna-unahan niyang billboard

SOBRANG excited ngayon si Sylvia Sanchez dahil ngayon ang photo shoot niya para sa kauna-unahang billboard niya.

Kararating lang ni Ibyang (tawag kay Sylvia) noong Linggo kasama ang anak na si Gela Atayde galing ng Amerika dahil nag-champion sa Dance Worlds 2017 kasama ang grupo ng Poveda Enciende.

Dumalo ang aktres sa inihandang surprised victory party para kay Gela na in-organize ng mga kaibigan at kaanak kaya maski na may jetlag pa ay kailangan niyang pumunta.

Mukhang nakapagpahinga nang husto si Sylvia sa Amerika dahil ang ganda ng kutis niya kaya pinayuhan siyang maghapong matulog kahapon para looking fresh siya ngayong araw.

Sa major highways sa buong Metro Manila at probinsiya makikita ang malalaking billboard ni Ibyang kaya excited si Mama Gloria dahil kung kailan siya tumanda ay at saka siya napansin maging product endorser.

Magkakaroon din ng viral video si Sylvia para sa produkto na puwede sa  matanda, teenagers, lolo, lola, lalaki, at babae.

Bukod dito ay marami na ring inquiries kay Ibyang para kuning endorser at kasalukuyan itong pinag-aaralan ng aktres at ng agent niya.

Pero kahit na maganda ang takbo ng career ni Sylvia bilang aktres ay mas natutuwa siya para sa mga anak niya.

“Katuwa mga anak ko, Reggee, may kanya-kanya silang forte, sina Arjo at Ria (Atayde), showbiz pareho, si Gela, heto sa pagsasayaw napunta, pero alam ko gusto rin nitong mag-artista someday. Tatapusin lang niya pag-aaral niya. Itong bunso ko, si Xavi, alam ko type niya ring mag-showbiz, pero ‘pag tinatanong mo, gusto niyang maging model. Basta kung ano ang gusto ng mga anak ko, suportahan ko sila, kami ng daddy (Art Atayde) nila,” nakangiting sabi sa amin.

Abot-abot ang pasalamat ng mag-asawang Art at Sylvia sa mga pumupuri sa anak nilang si Ria sa My Dear Heart.

“Unexpected talaga itong ‘My Dear Heart’ kay Ria, kasi ang alam namin, sa umpisa lang siya, hindi namin alam na pababalikin siya at ang daming nagte-text sa amin na binabati nila si Ria kasi, unti-unti, napapansin na ang acting niya.

“Kaya sa Dreamscape Entertainment, kina sir Deo (Endrinal), nagpapasalamat kami sa ibinigay nilang tiwala kay Ria bilang Dra. Guia, kasi ang lakas ng recalls sa tao,” kuwento ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved