Friday , April 26 2024

4 barangay chairmen inasunto ng MMDA (Creek marumi na barado pa)

SASAMPAHAN ng kaso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat pang barangay chairman sa Office of the Ombudsman, dahil sa pagkabigong imantina ang paglilinis sa mga creek sa kanilang nasasakupan.

Pansamantalang hindi muna binanggit ng abogado ng MMDA na si Atty.  Victor Nuñez, ang pagkakakilanlan ng apat barangay chairman na sasampahan ng kasong admi-nistratibo sa Ombudsman.

Inihahanda na nila ang ang mga ebidensiya laban sa mga nabanggit, at kasalukuyan nang isinasailalim sa surveillance ang kanilang nasasakupan.

Bukod aniya sa traffic  management, trabaho rin ng MMDA  ang magmantina ng kalinisan sa buong Metro Manila, kabilang dito ang mga dalu-yan ng tubig.

Sinabi ni Nuñez, ang hakbangin ng MMDA laban sa mga barangay chairman na hindi na-kikipagtulungan, ay bunsod nang mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Nitong nakaraang linggo, kinasuhan sa Ombudsman ng MMDA ng “neglect of duty” sina barangay chairmen Jesus Lipnica, Brgy. Piñahan; Teodoro Calaunan Sr., ng West Crame; at Telesforo Mortega, ng San Roque District II, sa Quezon City.

Nitong nakaraang buwan asunto ang ina-bot nina Brgy. Captains Michael Philip Factor, ng Brgy. Don Galo (Paranaque City); Elmer Maturan, Brgy. Bagumbayan (Quezon City); Antonio Benito Calma Jr., ng Brgy. Don Manuel (Quezon City) at  Clarito de Jesus, ng Brgy.  Veterans Village (Quezon City).

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *