Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Wardrobe designer, 4 pa tiklo sa buy-bust (Grab driver timbog sa anti-drug ops)
Wardrobe designer, 4 pa tiklo sa buy-bust (Grab driver timbog sa anti-drug ops)

Wardrobe designer, 4 pa tiklo sa buy-bust (Grab driver timbog sa anti-drug ops)

SWAK sa kulungan ang isang wardrobe designer, sinasabing isang bigtime drug pusher, at apat iba pa sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Sonita Vitor, 45, wardrobe designer, ng C. Molina Street, Brgy. Marulas; Niño Nicanor, 37, ng Brgy. Punturin; Mary Jane Sta. Maria, 34, ng Brgy. Karuhatan; James Canata, 20, ng Brgy. Pinalagad, at Honey Grace Dealega, 24, ng Brgy. Marulas, Valenzuela City, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

READ MORE:  Duterte Narco-list

Batay sa ulat ni Insp. Willex Mesina ng Drug Enforcement Unit (DEU), dakong 12:45 am nang isagawa ang  buy-bust ope-ration ng kanyang team sa Fatima Avenue ng nasa-bing barangay, nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 18 sachet ng shabu, P7,000 marked money, isang .45 kalibre ng baril, P178,000 cash na pinaniniwalaang pinagbentahan ng droga, at ang Nissan X-Trail (XPK-410) na ginamit sa transaksi-yon.  (ROMMEL SALES)

READ MORE:  3 drug suspect utas sa pulis, 3 arestado

GRAB DRIVER TIMBOG
SA ANTI-DRUG OPS

INARESTO ang isang driver ng Grab Transport Network vehicle, sinasa-bing sideline ang pagtutulak ng droga, makaraan makompiskahan ng shabu ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7, kahapon ng umaga.

READ MORE:  2-anyos paslit ibinenta ng sariling ina?

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, kinilala ang nadakip na si Eladio Tiburcio alyas Elly, 42, ng 33 Boni Serrano St., Brgy. Bagong Lipunan, Crame, Quezon City.

Si Tiburcio ay nada-kip dakong 5:00 am, sa kanto ng Gen. Roxas at Araneta avenues, Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City sa loob ng ipinapa-sadang Toyota Vios (VK 2391). (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved