Friday , June 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Puro yabang si Congressman Alejano
Puro yabang si Congressman Alejano

Puro yabang si Congressman Alejano

NASAAN na ang tapang nitong si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano?  Akala ko ba magsasampa siya ng ethics complaint laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez matapos aminin na siya ay may kabit.

Ang mahirap kasi kay Alejano, puro daldal.  Kapag nakakita ng pagkakataon, repeke agad na parang babae makuha lang ang atensiyon ng House reporters para sa kanyang media mileage.

Nakahihiya si Alejano, kahit kasi baluktot na ang pananagalog, tuloy pa rin siya sa paliwanag sa harap ng media kahit hindi naman niya natu-tupad ang kanyang mga sinasabi.  Hay Dudong, mano ngang maghunos-dili ka.

At nasaan na ngayon ang sinasabing ethics complaint ng minority bloc laban kay Alvarez?  Ang tagal naman! Tapos na ang Congressional break at hanggang ngayon ay wala pa rin aksi-yon ang grupo ni Alejano tungkol sa imoralidad ni Alvarez.

Akala mo kung sinong banal na tao si Alejano nang sabihin niyang: “His forthrightness does not equate to what is right and proper.  His actions placed the image of his office and institution he represents in a bad light which is not good example or something worthy of emulation, especially of our youth.”

Aysus, akala mo napakatinong tao nitong si Alejano!  Ano nga ulit ‘yun… “not good example or something emulation, especially of our youth.”  Ha ha ha! Bakit, ang ginawa mo bang kudeta ay good for our youth?!

Aber nga, sagutin mo, Dudong!

Kung talagang may paninindigan si Alejano, sampahan na niya ng reklamo sa ethics committee si Alvarez.  Inamin na ni Alvarez na meron siyang ‘kabit’ bukod sa kanyang legal na asawa at ito ay labag sa panuntunan ng Kamara.

Lubus-lubusin na ni Alejano ang kanyang galit kay Alvarez, at sampahan na rin niya ito ng disbarment case para masipa bilang isang abogado. Malinaw kasi na ang extra marital affair ay labag sa batas.

Yawa, ano pa ang hinihintay mo Dudong, kasuhan mo na si Alvarez!

Kung nagawang maghain ng impeachment complaint nitong si Alejano laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bakit hindi niya magawang sampahan ng kaso ngayon si Alvarez sa ethics committee?  Baka naman alam na ni Alejano na tulad ng impeachment complaint, sa basurahan  din  lang  pupulutin ang kanyang ethics complaint na gagawin.

Kaya nga, kung talagang takot si Alejano na banggain si Alvarez, tumahimik na lamang siya at asikasuhin ang kanyang legislative work. Epal na epal na ang dating ni Alejano at hindi ma-kabubuti sa kanyang political career.

Pastilan Dudong, ayaw na gad pag sinamok.

SIPAT – Mat Vicencio

COMMENTS

About Mat Vicencio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved