Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Inilaglag si Gina Lopez sa ngalan ng makasariling interes
Inilaglag si Gina Lopez sa ngalan ng makasariling interes

Inilaglag si Gina Lopez sa ngalan ng makasariling interes

KAKATWANG tinaggihan ng bicameral Commission on Appointments ang pagtatalaga kay Bb. Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources dahil ginagampanan niya nang mahusay ang kanyang trabaho at hindi dahil palpak siya sa pagtupad dito.

Kitang-kita ang matinding lobby ng mga dambuhalang kompanya ng pagmimina sa mga miyembro ng CA ang nasa likod ng desisyon ng mga tumutol sa appointment ni Bb. Lopez bilang DENR secretary.

Si Lopez ay isang kilalang personahe na makakalikasan kaya masasabing walang duda ang Usaping Bayan na paurong ang ginawang pagtanggi na aprubahan ng mga pulpolitkong miyrembro ng CA ang appointment ni Bb. Lopez.

Saan kayo nakakita na hindi inupo sa kagawaran na nagbabantay sa kapaligiran at likas yaman ang isang tao na kilala sa pagmamahal sa kalikasan?

Dito lamang sa ating bayan na pinaghaharian ng mga dayuhan at pansariling interes.

Bakt ko nasabi ito? Hindi ba ninyo napansin na halos lahat ng kompanyang sangkot sa pandarahas sa ating kalikasan at yamang pambansa ay pag-aari ng mga dayuhan na binibigyan ng proteksiyon ng mga lokal na elite o oligarkiya sa lipunan?

Ewan ko kung napansin ninyo na hindi inilaban nang husto ng Malacañang si Bb. Lopez sa CA. Maliban sa minsang bokilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung nasa likod umano siya ni Lopez ay wala na tayong narinig pa na ina-yudahan siya ng pangulo o ng palasyo.

Ayon sa ilang tagamasid, may malaking hatian ng impluwensiya sa Malacañang at hindi kaila sa lahat ang lantarang hindi pagkakasundo ni Bb. Lopez at isang mayamang kalihim na malapit naman sa mga miyembro ng CA at mining industry.

Napilitang mamili si Pang. Duterte kung si Lopez o ang kalihim na maimpluwensiya ang sasandalan. Malinaw na pinili niya ang huli kaya wala na tayong narinig pa mula sa kanya kaugnay sa sitwasyon ni Bb. Lopez.

Isa pa may napipintong impeachment complaint laban sa pangulo sa kongreso kaya hindi niya kayang banggain ang mga miyembro ng CA, lalo ang isang mambabatas na miyembro nito, na kahit mula sa isang napakaliit na distrito ay matindi naman ang lawak ng impluwensiya lalo sa makapangyarihang industriya ng pagmimina.

* * *

Hindi pa nagkasya na inilaglag ng bicameral Commission on Appointments si Ms. Gina Lopez, sinampahan pa ngayon siya ng kaso sa Tanggapan ng Ombudsman ng isang dambuhalang kompanya sa pagmimina. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbas-yon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

COMMENTS

About Nelson Forte Flores

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved