Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot utas sa saksak ng BF (Tumangging makipagtalik)
Bebot utas sa saksak ng BF (Tumangging  makipagtalik)

Bebot utas sa saksak ng BF (Tumangging makipagtalik)

KORONADAL CITY – Nauwi sa mapait na trahedya ang inakalang matamis na pagmamahalan ng magkasintahan, nang saksakin ng isang lalaki ang kanyang girlfriend makaraan tumangging ma-kipagtalik sa Brgy. San Pablo, sa lungsod ng Tacurong.

READ MORE:  Army nagdeklara ng ‘humanitarian’ ceasefire sa Marawi (134 sibilyan sinagip)

Kinilala ang biktimang si Rosalinda Masulot, 17-anyos, residente sa nasa-bing lungsod, habang ang boyfriend na kapwa niya menor de edad, ay taga taga-Buluan, Maguinda-nao.

Sa salaysay ng biktima bago siya binawian ng buhay, nagyaya ang suspek na mamasyal sa Tacurong at dinala siya sa palm oil plantation.

READ MORE:  Bading bugbog-sarado sa sadistang callboy

Pagdating sa lugar, niyaya siya ng suspek na sila ay magtalik.

Hindi pumayag ang biktima at tinangka niyang tumakas ngunit hinabol siya ng suspek at siya ay pinagsasaksak.

READ MORE:  Bangladeshi timbog sa shabu

Sa tulong ng ilang nagmamalasakit, naisugod sa ospital ang biktima ngunit bago nalagutan ng hininga ay nakapagbigay ng salaysay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved