Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Japanese nat’l nagbigti sa hotel
Japanese nat’l nagbigti sa hotel

Japanese nat’l nagbigti sa hotel

NAGBIGTI sa loob ng hotel ang isang Japanese national sa Pasay City, nitong Martes.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng photo copy ng kanyang pasaporte, na si Takeshie Nakade, 46, ng Namayashi, Japan.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Allan Valdez, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, natagpuan ang biktima habang na-kabigti sa extension cord na nakatali sa pinto ng room 320 sa ikatlong pa-lapag ng hotel dakong 1:00 pm nitong 18 Abril.

Napag-alaman, nag-check-in ang dayuhan sa hotel dakong 1:14 pm noong 17 Abril at huling nakitang buhay dakong 11:53 pm ng nasabing petsa nang omorder ng kanyang pagkain.

Narekober ng pulisya sa silid ang isang papel na may nakasulat na pa-ngalan ng mga kaanak ng ng biktima.

Agad ipinagbigay-alam ng mga awtoridad sa Japanese Embassy ang insidente.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved