Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / LJ, nahuling may babae ang ex-BF kaya hiniwalayan
LJ, nahuling may babae ang ex-BF kaya hiniwalayan

LJ, nahuling may babae ang ex-BF kaya hiniwalayan

SA isang interview ni LJ Reyes, ikinuwento niya na ‘yung dati niyang nakarelasyon ay nahuli niyang may ibang babae na naging dahilan para makipaghiwalay siya rito. Hindi na nga lang binanggit ni LJ kung sino ang tinutukoy niya. Nalaman niya na may ibang babae ang ex-boyfriend nang pakialaman niya ang cellphone nito.

READ MORE:  Lotlot, sumali sa Balik Eskwela sa Payatas

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya noong mga oras na ‘yun.

“Sa totoo lang, gusto kong na lang mahimatay. Kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kailangan ko bang hanapin ‘yung girl? Kailangan ko ba siyang awayin?,” sabi ni LJ.

READ MORE:  Jake, dream girl si Jessy (Kaya natotorpe sa aktres…)

Hindi naman confrontational na tao si LJ, kaya hindi niya na lang inalam kung sino ang babae ng kanyang ex para sugurin pa ito.

“Naniniwala ako na wala rin namang mangyayari kung sisitahin o aawayin ko sila. Hindi naman siguro sagot ‘yung manakit or pahiyain mo ang sinumang tao. Kasi baka ako pa ang lumabas na masama or kahiya-hiya, ‘di ba? So, pinabayaan ko na lang. Ipinagdasaral ko na lang kay Lord na Siya na ang bahala sa kanila.”

READ MORE:  Kamandag sa Droga ni Caparas, dapat suportahan ng gobyerno

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved