Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tsekwa tiklo sa Oplan Tugis
Tsekwa tiklo sa Oplan Tugis

Tsekwa tiklo sa Oplan Tugis

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang negosyanteng Chinese national, sa inilunsad na Oplan Tugis sa Binondo, Maynila, kamakalawa.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Manila Police District (MPD) director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, naaresto ang suspek na si Susan Ang, 34, residente sa 612 Elcano St., Binondo, Maynila, dakong 9:30 am sa ikinasang Oplan Tugis, sa pangu-nguna ni Chief Insp. Wilfredo Sy.

Ang suspek ay ina-resto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46, sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa Republic Act 8293 (An Act prescribing the intellectual property code and establishing the intellectual property office, provi-ding for its powers and functions, and for other purposes).

ni BRIAN GEM BILASANO

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved