Wednesday , October 18 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Acting na ipinakikita nina Sylvia at Dimples, masakit sa ulo at dibdib
Acting na ipinakikita nina Sylvia at Dimples, masakit sa ulo at dibdib

Acting na ipinakikita nina Sylvia at Dimples, masakit sa ulo at dibdib

BILIB na bilib ako sa kaibigang Sylvia Sanchez. Grabe sa bigat ang ginagampanang karakter sa The Greatest Love bilang si Nanay Gloria.

‘Yung shifting na ginagawa niya, feeling ko masakit sa ulo ‘yun. Pero parang wala lang naman sa aktres. Ang galing! Lalo na ngayong mukhang tuluyan na ngang bibigat pa ang magiging sitwasyon niya sa  serye ng Kapamilya Network.

Grabe ang struggles na pagdaraanan ng kanilang buong pamilya sa mga susunod na linggo. Napansin ko rin ang struggles ni Dimples Romana na minsan kapag napapanood ko siya, naroon ‘yung awa unlike the last time na inis na inis ako sa kanya. Lalo pa’t muntik na siyang ipalaglag noon ni Nanay Gloria huh. Kakaloka lang dahil apektado talaga ako.

Gustong-gusto ko talaga ang se serye. ‘Yung magandang aral na ibinibigay nito sa mga manonood ay naroon. Wala kang sasayangin sa lahat ng aktor sa serye. Ang gagaling nila.

REALITY BITES – Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top