Thursday , August 24 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang ‘stupid’ nga naman!
Ang ‘stupid’ nga naman!

Ang ‘stupid’ nga naman!

ESTUPIDO raw ang kalahati ng mga driver sa Filipinas, ‘yan ang sabi ni Senador Vicente “Tito Sen” Sotto.

Maliban sa pagsasabing estupido ang mga driver na Pinoy, wala nang ibang sinabi pang rason si Sotto.

Kapag kumuha raw ng honest-to-goodness driver’s examination gaya sa Estados Unidos, tiyak daw na babagsak ang mga Pinoy — dahil estupido?!

Wattafak!?

Ito namang si Tito Escalera ng Wanbol University, puwede namang sabihin na karamihan ng nagmamaneho lalo sa public transport ‘e kulang sa aral, hindi maingat at hindi sumusunod sa batas-trapiko, bakit kailangan bansagan pa niya ng estupido?!

Hindi ba alam ni Senator Sotto na ‘yang mga sinasabihan niyang estupido, ‘e malaking bilang niyan ay bumoto sa kanya?!

Aabutin ba niya ang nakuhang boto kung hindi siya ibinoto ng mga taong sinasabihan niyang estupido ngayon?!

‘E sa inaasal mong ‘yan Senator Sotto, sino ngayon ang matatawag na estupido?!

Ang estupido nga naman!

‘Yan ang problema sa inyong mga TRAPO (traditional politician) kapag eleksiyon halos yakapin ninyo ang mga botante (gaya ng tinatawag niyang estupido) para iboto kayo pero kapag nailuklok na kayo, naaalala ba ninyong umikot muli para magpasalamat?

Anong batas ba ang ginawa ninyo Senator Tito Sotto, para mabawasan ang pagiging ‘estupido’ ng mga driver na pinanggigigilan mo?!

Ilang beses ka na bang nasisilat sa bawat buka ng bibig mo Senator?

Mag-ingat ka naman sa pagbibitiw ng salita.

Hindi ka na si Tito ‘pepsi’ Escalera ng Wanbol University, si Senator Tito Sotto ka na ng Senate of the Philippines.

Hiramin mo kaya ang adviser ni Senator Manny Pacquiao, para naman magkaroon ng sustansiya ang mga sinasabi mo…

Hik hik hik!

HUBARAN SA MS.
UNIVERSAL
CLUB TIMBRADO!?

SIR, malakas ang timbre ng Ms. Universal Club sa pulis at Pasay City hall. Largado ang hubaran sa stage at kangkangan sa VIP room.

+63905537 – – – –

REACTION
SA MGA PRESONG
PINAGHUBO

SI Atty. Mauricio ay favor sa ginawa ng mga awtoridad na pagpapahubo at hubad sa mga preso sa Cebu jail. Hindi dapat na paghubuin pa ang mga preso. Okey lang ‘yong nakahubad pero ‘yong paghubuin pa ay hindi na maganda, labag sa karapatang pantao ang ginawa sa mga preso. Kung sa iyo kaya gawin iyon Atty. Mauricio na paghubuin ka at makita ng mga tao na supot ka pala at puro galis ang titi mo at puwet mo ‘di ba mapapahiya ka sa mga tao? Kung pang-itaas lang ang hubad ok lang ‘yun at kahit brief na lang ang ipasuot sa mga preso.

+639333406 – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top