Thursday , May 2 2024

Sen. Jinggoy kay De Lima — Why do you have to seek refuge in the Senate?

“NGAYON naramdaman mo na rin kung  ano ang naramdaman namin at ng aming pamilya,” paglabas ng saloobin ng dating Senador Bong Revilla, Jr. sa kanyang Facebook account na makikita ang larawan ni Senator Leila De Lima.

Laman ng balita ang pagsuko kahapon  ni  Sen. de lima sa arresting team ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) pagkatapos lumabas ang kanyang warrant of arrest. May kinalaman umano sa droga ang isinampa ng Department of Justice.

Maging si dating Senator Jinggoy Estrada ay naglabas ng statement sa pag-stay sa Senate office ni De Lima sa kanyang Facebook account.

“Why do you have to seek refuge in the Senate?We never sought for refuge when you had us arrested!!Who are you to demand where you want to be jailed? We never did that during your time!!We surrendered even before the warrant of arrest was served. We went to Crame immediately. Can’t you do the same? SHAME ON YOU.”

Nakulong noong 2014 si dating Senator Jinggoy kasama si former Senator Bong Revilla sa Camp Crame Detention Center dahil sa pagkakadawit nila sa multibillion-peso pork barrel scam. Si De Lima noon ang Justice Secretary at ngayon ay makakasama na nilang made-detain sa nasabing lugar.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Julia Barretto

Julia Barretto hinangaan, nagustuhan ng mga Indonesian

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman ang nabalitaan namin na tuwang-tuwa raw ang fans kay Julia …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Andrea Brillantes

Daniel ‘di pa man santo marami ng ‘milagro’

HATAWANni Ed de Leon ANG maliwanag lang sa lahat, nagka-split lang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang umamin …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *